Thursday, June 1, 2023

LEONARDO MAGHIRANG: Ang Binatang Magsasaka 1

PAALALA: ANG KWENTONG INYONG MABABASA AY KATHANG ISIP LAMANG, KUNG SAKALING MAGKAROON NG KATULAD ANG MGA MABABANGGIT NA LUGAR, TAUHAN, PANGYAYARI AY TIYAK NA NAGKATAON LAMAN, GANOON PA MAN AY HANGGAD NAMIN ANG INYONG MATIWASAY NA PAG-BABASA.


Tirik na tirik ang araw habang walang tigil ang pag-tatrabaho ng isang masipag na binata, hindi nito iniinda ang pagdampi ng mainit na sikat ng araw sa kanyang balat. Patuloy parin siyang nag-aararo sa kanilang bukirin para matamnan ng panibagong mga pananim na palay. Siya si Leonardo Maghirang, 'o mas kilala sa kanilang baryo bilang si "Leon". Hindi lingid sa lahat ng mga kabaryo niya ang kasipagan nito sa pag sasaka, kilala din si Leon bilang isang mabait na binata. Subalit sa kasamaang palad ay tangging ang lola nalamang niya ang nagiging katuwang niya sa buhay, sapagkat ayun sa kwento ng kanyang butihing lola ay sanggol palang daw si Leon pinagkaitan na siya ng isang ama at ina. Nasawi ang kanyang ama sa pakikipag digma laban sa mga dayuhang mananakop, at sa di inaasahang pagkakataon ay nalaman ng kanyang ina na ipinagbubuntis pala siya 1 buwan na bago namatay ang kanyang ama. Kalaunan ay isinilang si Leon subalit isang napakasakit na namang pangyayari ang naganap, dahil namatay naman ang kanyang ina sa pagsilang sa kanya. 

    Sa ngayon, tangging ang lola nalamang niya ang kasa-kasama niya sa buhay, kaya naman mas sinisipagan pa nito ang pag sasaka para narin sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Nasa labing apat na taon na si Leon, at sa mura niyang edad ay naging batak na ang katawan nito sa pagtatrabaho, kaya naman hindi mo talaga aakalaing bagito pa ito subalit pagkakamalan mo talaga siyang binata. Maganda ang pangangatawan ni Leon, halata mo sa kanya ang nagsisilakihang mga bisig at talaga namang napakaganda ng hubog ng kanyang pangangatawan dahil narin sa uri ng kanyang trabaho sa araw-araw.

    Sa kabila ng kanyang masalimuot na kapalaran ay meroon namang magagandang nangyayari sa kanyang buhay pagkabinata, katulad nalamang ng isang lolang mapagmahal sa kanya. Siya si "lola Ponsya", sa kabila ng katandaan ng kanyang lola'y malakas parin ito kung kumilos at minsan nga'y tinutulungan pa niya ang kanyang apo sa bukirin, subalit siya namang sinusuway ng binata dahil ayaw na ayaw ni Leon na napapagod ang kanyang lola, mas mainam nang siya ang maghirap sa pagsaka kaysa naman ang kanyang minamahal na lola. Bilang isang binata, meron ding pangarap sa buhay itong si Leon, at dahil narin sa kanyang pagsisipag, napapag-aral niya ang kanyang sarili at ngayo'y magtatapos na nga siya ng High School. Pumapasok ito tuwing lunes hanggang byernes, umuuwi galing eskwela derecho sa kanyang bukid, at pagdating naman ng sabado at linggo ay maghapon niyang inaasikaso ang kanyang bukirin kasama narin doon ang pagaalaga niya sa kanyang munting kalabaw na siyang katuwang niya sa pagsasaka.

    Sa isang probinsya ng Tarlac nakatira si Leon at ang kanyang lola, at sa isang local na paarala ng probinsya naman siya nag aaral na kung tawagin ay "Magiting High School" isang paaralan ito na tumatanggap sa mga estudyanteng walang masyadong kaya sa buhay, katulad nalamang ng katayuan ni Leon. Ganoon pa man, sinisiguro din ng paaralang ito ang kakayaan ng mga estudyante sapagkat nakakpag aral ang mga ito ng libre at sinasagot ng local na pamahalaan ang mga ibang gastusin sa eskwela, 'yun ay kung maalagaang mabuti ng isang estudyante ang katayunan nila sa akademya at mapanatiling matataas ang kanilang mga grado.

    Lukas: boi!!.. 

tawag nito sa kaklaseng naglalakad sa may hallway..

napalingon ang binata 'kay lukas..

    Leon: ohh!,, boi ikaw pala!, ano meron?

    Lukas: sabay na tayong kumain,,.iniwan na naman ako ng mga loko-loko kong 

                barkada ehh!!

    Leon: hahaha yan naman ang lagi kong sinasabi sayo ehh!! wag ka masyadong

             magsasama sa mga iyon!!,, eh puro kalokohan lang naman ang alam nila eh!

    Lukas: ehh!! napipilitan lang naman ako boi!! ikaw ba?,,pansin ko kasi lagi ka nalang 

                nag-iisa,,ayaw mo ba ng mga kaibigan?

    Leon: hindi naman sa ganon!,, nais ko rin namang makisama at makisalamuha sa 

            mga kaklase natin,, ehh!! nagkakataon lang talaga na kelangan ko laging 

            makauwi agad dahil inaasikaso ko pa ang mga pananim ko! at isa pa, walang 

                kasama si lola sa bahay!!

    Lukas: ganon ba,, eh ikaw bahala,,disisyon mo yan,,,kung sabagay! mas mainam na

                iwas muna sa barkada kaba mamaya madawit pa ako sa kalokohan!!

    Leon: hhhmm!! lalo na ngayon malapit na tayong mag-tapos ng pag-aaral! kaya, 

                kung ako sayo seryosohin mo na!! iwas iwas nalang muna tayo!!

            ' tara!! sabay na tayong kumain...

    Lukas: yun!!! tara boi!!


Sa may kantina ng paaralan, nakaupo si Efren habang kumakain ng pananghalian. 

    Efren: Leon!!, Lukas!!!,,, pumarito na kayo dito na kayo umupo saluhan niyo ako!!

    Lukas: ohh boi, si Efren o' tara! dun na tayo umupo..

kilala si Efren sa paaralan nila bilang isang binatang pinaka meroong itsura sa lahat, palagi din siyang kinukuha ng eskwelahan tuwing may mga espesyal na okasyon at parada, para siya ang gawing eskort ng mga patimpalak at mga ibat-ibang okasyon. Meron siya laging nakakapareha at ito naman ay si Laura ang pinakamagandang dalaga sa kanilang eskwelahan at siya rin namang laging napipili bilang kalahok din sa mga patimpalak at ibat-ibang okasyon. Sa lahat ng mga nasasalihan sa eskwela ay palaging pinagpapareha ng mga guro sina Efren at Laura, subalit lingid sa lahat na meroong lihin na pag tingin ang binatang si Leon kay Laura, yun nga lang ay naduduwag itong lumapit sa dalaga upang ipahayag ang kanyang nararamdaman at pagka-gusto rito. Meroong lihim na ilang si Leon kay Efren dahil narin sa inggit kahit wala namang namamagitan sa kanila ng dalaga. Kaya hanggat maaari'y nais umiwas ni Leon dito, pero dahil sa biglaang yaya sa kanya ni Lukas ay wala na itong magawa kundi ang makisalo sa lamesa at kumain ang tatlo ng sabay-sabay.


    Efren: oohh!! kumusta mga kaibigan! tara! saluhan niyo na ako dito.

    Leon: a..ayus lang kaibigan.. (matipid na ngumiti si Leon)

    Lukas: ooh!!! boi!! kanina ka pa?? pahingi ng daing ahh!! hehehe( sabay dakot ng 

                    dalawang piraso ng daing sa plato ni Efren)

    Efren: aba!! iba ka rin boi!! dinakot mo na ahh!

   Lukas: hahah ikaw naman! may dalawa ka pa naman ehh!!

    Efren: Leon! daing ohh!!

    Leon: ahh cge lang!! salamat,, meroon din naman akong dalang nilagang talong!!

                baka gusto niyo..

    Lukas: aba! ehehe di ko tatanggihan yan!! amin na.. pahingi isa!!

    Efren: eto talaga ang takaw!!

                ' nga pala, malapit na ang pag-tatapos natin, limang buwan nalang aakyat na 

                    tayo sa intablado! nasasabik na ako kayo ba?

    Leon: a..ako rin nasasabik narin sa pagtatapos natin.. (tipid na sagot)

    Efren: ikaw ba lukas?? ga-graduate ka daw ba?? hahahaa

    Lukas: hahaha hoy!!! ano akala niyo sakin??? syempre magtatapos ako nohh!!

    Leon: hahaha naku!! kung lagi ka sasama sa mga barkada mo sa kalokohan 

                sigurado hindi ka makakapag-tapos niyan..

    Lukas: tiwala lang boi!!! 


Sabay-sabay nang pumasok ang tatlo pagkatapos kumain ng pananghalian, pabalik na sila sa kanilang silid-aralan nang makasalubong nila ang grupo ng mga ilang kababaihan at kasama na doon si Laura ang pinakamagandang dalaga sa kanilang paaralan. 

    Efren: Hi!! Laura!,, 

   pag-bati ni Efren na naka ngiti..at may kasamang pagkaway!

    Laura: hi Efren!! 

 'ngumiti rin ito pabalik at kumaway din ng bahagya!!,  

'di naman mapigilan ng mga ibang babae na mapatili dahil sa interaksyon ng dalawang magkapareha,. 

    Kahit na walang namamagitan sa dalawa ay tila ba magkasintahan ang tingin ng nakararami.. 

    Sa isang banda naman,, tahimik at lihim na sumulyap itong si Leon sa magandang dalagang si Laura.. Heto na naman siya at pinapangarap na makausap man lang ang dalaga, ngunit dinadaga na naman ang kanyang dib-dib, kung tutuusin nga'y matipuno naman itong si Leon at may itsura ngunit pag-dating sa babae ay sadyang tumitiklop siya..


    Lukas: tara na!!! tama na ang ligawan!! mahuhuli na tayo sa klase ohh!! 

 Nagpatuloy na ang tatlong magkakaibigan papuntang silid aralan..


    Bandang alas 4:30 ng hapon naglalakad pauwi si Leon galing ng paaralan, at gaya ng dati'y dederecho na siya sa kanyang mga pananim doon sa bukirin para bisitahin, magtanggal ng damo, at kung ano-ano pa para mapanatili niya ang magandang ani.

    Habang siya ay naglalakad pansin niya ang isang matanda na kasalubong niya na masama ang titig sa kanyan at para bang napakalaki ng galit nito kung babasahin mo ang pagkakatitig ng kanyang mata. Hindi naman pinansin ni Leon iyo'n bagkos patuloy lamang siya sa pag lalakad. Ngunit pag-kalagpas nila sa isat-isa'y patuloy parin ang pagsunod ng titig sa kanya ng matanda..Medyo nairita naman si Leon at doon nga'y tumigil siya sandali sa paglalakad para tanungin ang matangdang masama ang tingin sa kanyan..

    Leon: bakit po amang??!! may problema ho ba kayo?

  "subalit, hindi nagsalita ang matanda bagkos ay patuloy lamang ito sa pagtitig sa binata, tumalikod ito na parang wala man lang nangyari"..

    medyo nabastos naman ang naramdaman ni Leon dahil sa inasal ng matanda, kahit na mas matanda ito sa kanya at nagtatanong siya sa kanyang isip na kung bakit ganoon nalang ang pakikitungo ng matandang iyon,, Nagpatuloy nalamang siya sa paglalakad pauwi, ngunit dala-dala niya ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maintindihan dahil sa nangyari..

    Sa kabilang banda naman..habang dumidilim na ang paligid sapagkat palubog na ang araw,..naglalakad ang isang matanda sa kakahuyan at tila ba naglalaway ito at hindi mapakali,, para bang ma'y hinahanap siya sa paligid, maya-maya pa'y narinig niya ang isang pag igik ng baboy ramo sa may kakahuyan at dali-dali niya itong sinundan... maliksi ang pagkilos ng matandang iyon at di mo akalaing kaya niya pang kumilos ng ganoon kabilis kumpara sa mga ibang matatanda...Nang makita niya ang baboy ramo agad nitong sinunggaban at sinakmal ang leeg ng baboy sa kakahuyan...pumulsit agad ang dugo ng baboy sa kanyang leeg at tila putol na pag-igik na lamang ang iyong maririnig... habang lumalalim ang gabi ay patuloy namang nilalantakan ng matandang iyon ang baboy ramo sa kakahuyan....!!!


Itutuloy...............